Minsan, hindi ko na din alam ang gagawin ko. Ang daming responsibilities sa sarili, sa family, sa work, sa school, and even sa church. Gustuhin ko man magpahinga, pero paano ko gagawin? Ang hirap pala kapag madami nakasandal sa'yo at ayoko maging superhero dahil hindi talaga ako para dito. Minsan, naisip ko na nga lang, paano kung nag-abroad na lang ako, doon na lang sana ako nagwork, magiging maganda kaya ang buhay namin? Magiging maayos kaya ako ngayon? Hindi ko na din alam. Minsan gusto ko na lang matulog magdamag at paggising ko walang isipin. Sa tunay, now lang ako napagod sa work ko. Kanina habang nakikipag-usap ako sa patient at parang sarcastic 'yung dating, hindi na din ako nagdalawang isip na babaan na lang kasi napapagod na din ako makipag-usap. Sana palarin at bigyan ako ng Lord ng greater opportunity at client na mas higit dito na sobrang bait, generous, hindi demanding at malaki ang tiwala. Ginagawa ko lahat sa work pero parang hindi na worth it now. Ewan. Pagod na ako.