I'm an irregular student. Ang tagal ko bago matanggap, kasalanan ko naman ihhh. Nabawasan lang yung bigat nung akala ko okay na sa parents ko, kumbaga tanggap na nila. Pero mali pala ako, di pa rin pala nila matanggap na yung anak nila ay irregular student na. Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para makabawi, para maiwasan na mangyari ulit. Pero ang bigat lumaban, ang hirap, ang bigat bigat. Sinusumbat pa rin sa akin, kahit one year na ang nakakalipas. Kasama ko kasi barkada ko sa organization kanina, kumain kami sa labas at nagchikahan. Pero para sa kanila, bat ko pa daw sinasamahan sila ay sila ang reason kung bat ako nairreg 🫠. Di nila alam, yung mga pagkakamali ko ang dahilan kung bakit ako may bagsak. At yung mga taong sinasabi nilang dapat kong layuan, sila pa ang mas nakaramay ko nung lugmok na lugmok ako. Nung mga panahong babang baba ako sa sarili ko. Nung mga panahong akala ko ay katapusan ko na. I don't know, I'm torn. Deserve ko ba talaga ang bawat salita nila? 🙃