Kung babalik kapa, Wag kanang babalik. Ang dami kong tanong, Na bigo kong sabihin, At malaman kung bakit Biglan mo'kong iniwan. Ang sakit na pilit kong itago, Ay dinudurog ako araw-araw. Sa tuwing iniisip ko ang mga araw na nagdaan, Na kasama kita, Hindi ko lubos maisip Bakit tayo humantong Sa puntong kailangan mo'kong iwan. Kaya wag kanang babalik. Sinira mo na ang aking paniniwala Sa pag-ibig na akala ko'y totoo.