Medjo masakit padin pero araw araw naman po kinakaya ko naman, medj natatanggap ko naman na wala na talaga. And i started living on myself nadin. Minsan naiisip ko kung ano sana tayo ngayon kung maayos pa. Pero pakshet hindi ko alam kung hanggang kelan ko bibitbitin yung sakit na nararamdaman ko araw araw. Parang ako nalang din kase yung nagdadala sating dalawa. Ikaw nakalaya kana okay kana. Masaya naman ako na okay kana na medj may galit padin pero humihingi naman ako kay god ng forgiveness para sating dalawa dahil hindi lang naman ikaw may mali ako din naman. Wala Akong magawa nung sinabi mong ayaw mona talaga at hindi mo nako mahal. Tinanggap ko nalang kahit na sa loob loob ko ayaw ko talaga. Balang araw gagaan din lahat to naniniwala ako. Balang araw matitignan din kita ng Hindi na kinakabahan at nasasaktan pa. Balang araw hindi na kita iisipin. Balang araw makaka graduate din ako sayo. Minahal kita at hanggang ngayon may pake padin ako sayo. Sana maging ayos nadin ako.